Si Wako ang Matalinong
Kuwago
Si Wako ay isang kuwago. Kakaiba siya sa lahat
ng kuwago. Siya ay mahilig magbasa at magsulat. Hindi siya tulad ng ibang
kuwago na tulog nang tulog. Lahat ng aklat ay binabasa ni Wako.
Isang
araw, nagpulong ang lahat ng mga kuwago upang parusahan si Wako. Ngunit
ipinaliwanag ni Wako ang kahalagahan ng pagbabasa at nang pagiging marunong
magsulat.
Sinubukan
ni Wako na magkuwento. Nagulat ang matatandang kuwago sa galing ni Wako. Lahat
ng mga kuwago ay tuwang-tuwa na makinig sa kanya.
Tinuruan
sila ni Wako na magbasa at magsulat ng bilang.
Magmula
noon ay nagbago ang buhay ng mga kuwago. Hindi na sila tulog nang tulog. Sila
ay naging mahilig sa pagbabasa at pagsusulat.
Naging
modelo para sa kanila si Wako.
lrmds.deped.gov.ph/download/3887